2017 Quotes About Barkada


Hindi na talaga maaawat ang saya sa tuwing kasama natin ang barkada. Tuwing nandyan sila, feeling natin kompleto na, sa kanila lang kasi natin naipapakita kung sino talaga tayo. Pag sila ang kaharap natin, nawawala yung hiya natin sa tao. Nagiging totoo tayo sa sarili natin. Kaya pasalamat na lang tayo kasi andiyan sila. Daig pa nila yung mga dyowa natin kasi, lagi silang andiyan sa tuwing kailangan natin sila. Hinding hindi sila magdadalawang – isip na puntahan tayo pag may problema tayo. (may alak kasi!! ☺) Sila kasi talaga ang isa sa nakakapagpasaya ng buhay natin, yung tipong nadapa ka na’t lahat pero tatawanan ka muna nila bago ka tulungan, sasabihan ka pa ng tanga.

Pero walang biro, malaki talaga ang pasasalamat natin para sa mga naging barkada natin dati, sa mga barkada natin ngayon, at sa mga magiging barkada pa natin. Kasi kung mawawala sila, baka wala ng babatok sa atin tuwing magdadrama tayo, wala ng magsasabi sa atin na ang tanga tanga natin sa tuwing iiyak tayo dahil sa maling tao, at higit sa lahat, wala ng tatawa sa atin kapag nadapa tayo. Kapag andyan ang barkada, lagi tayong may kasama, kahit sa kalokohan, go lang sila.  Sa tuwing andyan ang barkada, hindi na natin maiisip na meron pala tayong problema, sila na kasi ang poproblemahin natin.

Barkada Quotes

1.Tuwing Kasama ang BARKADA, ang hirap umuwi ng maaga.

 

Mahirap kasing iwan ang inuman… este ang bonding time pala… hehehe… Kaya ayan, kahit naka – ilang miscall na si Padir, keri lang, kakilala naman ng barkada ang pamilya e. May pagkakataon nga, mas close pa sa pamilya ang barkada kesa dyowa.

Barkada Quotes

2.Iba ang SAYA kapag kasama ang BARKADA.

 

Magkaka – iba naman kasi ang sayang galing sa iba’t ibang tao. Pero siyempre, hindi mapapalitan ang sayang mararamdaman mo kapag barkada ang kasama mo. Nagiging palagay kasi ang loob natin kapag ang kasama natin e yung mga katulad natin. Kindred spirits kumbaga, alam natin na kahit magpakaloka tayo kasama sila, hindi nila tayo ija – judge kung hindi sasamahan pa tayo sa trip natin.

Barkada Quotes

3.Sa BARKADA, eye to eye lang gets na agad.

 

Bihira kasi tao yung tingin pa lang, alam mo na kung ano ang gusto niyang gawin o kung ano ang iniisip niya. Pero pag – dating sa barkada, konting galaw lang ng mata, alam mo na kung may problema ba sya o kung may gagawing kalokohan. Ganyan talaga ang magkabarkada e, magkadugtong ang pusod ika nga. Kahit di magsalita, naiintindihan kaagad.

Barkada Quotes

4.Hindi kumpleto ang isang BARKADA kung walang matino at loko sa tropa.

Masyado kasing boring ang barkada kung puro matino ang kasama natin, kailangan talaga na kahit papaano, merong isang gagawa at gagawa ng kalokohan para may thrill ang buhay. To spice up life, ika nga, masyado kasing monotone ang buhay natin kung paulit – ulit lang ang mga gagawin natin. Kaya kailangan natin ng barkadang loko – loko para kahit papaano, laging may bago.

Barkada Quotes

5.TROPA: Taga batok, Taga hampas, Taga mura, Taga suporta.

 

Ang tunay na tropa, binabatukan ka talaga kapag may katangahan kang nagawa o kahit trip lang nila. Minsan hahampasin ka kapag sobrang kinilig sila, kaya dapat lagi kang may handang ointment o kaya foam tuwing katabi mo sila. Andyan din lang ang barkada para murahin ka, to talk some sense into you tuwing nagpapakatanga ka sa dyowa mo. At higit sa lahat, andyan lang sila para gabayan tayo at magbigay ng suporta, anumang pasya ang gawin natin sa buhay.

Barkada Quotes

6.BARKADA, Di man sila perpektong kaibigan pero perpekto naman yung araw mo pagkasama mo sila.

 

Kahit naman kasi sinong tao mga Bess, walang makakapagsabi na perpekto ang mga kaibigan nila. Ang pagkakaibigan naman kasi, hindi binabase sa pagiging perpekto ng isang tao. ang mahalaga, masaya tayong kasama sila. At hindi natin naiisip na may problema tayo pag sila ang kasama natin.

Barkada Quotes

7.Kapag kasama ang BARKADA pati problema mo makakalimutan mo sa kakatawa.

 

Kahit gaano pa talaga kalaki ang problema, nawawala sa isip natin dahil sa mga kalokohan ng mga barkada natin. Yung sa halip na umiiyak ka sa kanila dahil sa problema, lumuluha ka dahil sa katatawa. Baliw e, ganun kasi talaga sila, ayaw nilang masyado tayong nagpapaka – stress sa mga problema natin kaya gumagawa sila ng kung anu – anong kalokohan, mapatawa lang tayo.

Barkada Quotes

8.BARKADA, Yung problemado ka na nga binibigyan ka pa nila ng mga napakawalang kwentang advice.

 

Barkada yan e, hindi naman yan si Dr. Love para bigyan tayo ng payong matino. Basta ang sigurado lang, ayaw nilang mamroblema tayo ng todo, kaya naman kahit yung payo nilang matino, minsan dinadaan na lang din nila sa biro.

Barkada Quotes

9.Hindi kumpleto ang BARKADA kung walang SHUNGA. Hahaha

 

Kulang kasi ang barkada kung absent yung pinaka loka, siya lang kasi yung may lakas ng loob na gawin yung mga bagay na alam nating nakakahiya kung tayo ang gagawa. Pero dahil nga sa loyalty nya sa barkada natin, sya na lang ang gumagawa. Mas gusto kasi niyang sya na lang ang magmukhang tanga, kaysa tayo na barkada niya. Ganun tayo kahalaga sa mga barkada nating shunga, kaya ikaw, pahalagahan mo din sila.

Barkada Quotes

10.BARKADA? Sila yung mas excited pa sayo sa darating na Birthday mo.

 

Bakit nga ba ang mga barkada natin, mas excited pa sa atin kapag birthday natin? Yung natutulog ka pa, andun na sila at hinihintay ka ng bumaba. Ganun sila ka – atat pagdating sa kaarawan natin. Para bang hindi sila kumain ng isang buwan para lang maka – attend ng birthday mo. Pero dahil din dito, nagiging masaya tayo. Alam kasi natin na kahit wala tayong ihahanda, o kahit walang ibang dumalo sa kaarawan natin, pupunta at pupunta pa din sila para lang mabuo ang barkada.

(Visited 367 times, 1 visits today)
loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *