Encouraging Quotes for Women


Nabigo o nasaktan man tayo ng taong mahal natin hindi ito dahilan upang sirain natin ang ating buhay at mapariwara bagkus gawin natin itong aral at inpirasyon para lalo tayong lumakas at tumatag para harapin pa ang mga pagsubok na darating sa ating buhay. Bumangon tayo at lumaban dahil kung hindi mababalot ang buo nating pagkatao ng lungkot at sama ng loob at tayo lang din ang mahihirapan. Hindi tayo tunay na magiging masaya kung magtatanim tayo ng galit sa ating kapwa. Ganun talaga ang buhay, kelangan nating masaktan para matuto tayo at sana hindi na ulit natin gawin ang mga pagkakamali na ating nagawa.

 

 

Encouraging Quotes for Women

 

Ouch..!! masakit man pero kelangan nating tanggapin na hindi lahat ng gusto natin ay pwedeng pama sa atin. Mahal mo sya pero may mahal syang iba, isa sa pinakamakit sa buhay pag ibig, yung tipong hanggang tingin kana lang sa kanya habang masaya sya sa piling ng taong mahal nya. Pero kahit ganun huwag tayong mawalan ng pag-asa dahil darating din time na may taong magpapatunay sayo na para ka sa kanya at mamahalin  mo rin. Huwag nating isara sa ibang tao ang ating puso na gustong maging parte tayo ng buhay nila. May taong nakalaan para sa atin, hintay lang tayo para kapag dumating na yung time na yun ready na tayong magmahal ng walang pag aalinlangan. Lahat tayo ay may kalayaang pumili kung saan tayo sasaya.

 

  • Kung kayo talaga, Kayo talaga at kung hindi man, siguradong may darating, hindi man sya ang EXPECTED mo, sya naman ang mas DESERVING sa PAGMAMAHAL MO.
  • Wag na wag mong ipagpapalit sa isang oras na kaligayahan ang isang relasyong matagal mong INIINGATAN.
  • Yung taong hindi nagsasawang ipadama sayo araw araw yung salitang PAGPAPAHALAGA,PAGRESPETO at higit sa lahat PAGMAMAHAL.
  • Kahit gaano kabigat ang dinadala mo, kung may nagsasabi sayo ng I Love You magiging magaan ang lahat ng ito, dahil may taong nagmamahal sayo.
  • Huwag mong isiping hindi mo kaya kung hindi mo pa sinusubukan.

 

Encouraging Quotes for Women

Minsan kelangan mo ding subukan sya para malaman mo kung mahal ka talaga nya. Umiwas ka o wag magparamdam para malaman mo kung hahanapin ka ba nya o mamimiss. Huwag nating sanayin ang sarili natin na tayo lagi ang nagbibigay ng oras at pag-aalaga. Sa pag-ibig kelangan magtira para sa ating sarili, magtira ng oras upang makapagliwaliw man lang o makipag bonding sa mga kaibigan at pamilya hindi yung lahat ng oras mo ay ibibigay mo sa kanya, hindi lang sya ang pwedeng magbigay sau ng kaligayahan at pagmamahal. Marami pang tao o bagay ang makakapagbigay sayo ng saya. Sabi nga nila ang asawa o boyfriend ay napapalitan pero ang pamilya hindi. Sa lungkot at kaligayahan man nandyan parin ang ating pamilya pero ang asawa o boyfriend pwede kang palitan o iwan nyan. Huwag tayong mag focus sa isang tao lang. Masaya kung kasama natin ang totoong mga tao na nagpapahalaga satin, yung kahit sa hirap at saya ay hindi ka iiwan.

 

Encouraging Quotes for Women

Please.. Like & Share, Thank you!

(Visited 1,043 times, 1 visits today)
Share!
loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *