Funny Banat Tagalog Quotes


Minsan sa buhay natin, hindi naman talaga kailangang laging nakasimangot. Kailangan din natin i-enjoy ang buhay natin. Huwag masyadong seryoso, try laughing. For a change, ‘ika nga, hindi lang naman ang may problema. Lahat tayo, meron nun, it’s up to us na lang kung pano yun iso – solve. So sit back, relax, and enjoy this little something I prepared for you. Bawal mapikon.

Patawa

Nakakaasar din minsan yung mga barkada natin na sobrang feeling talaga. Sobrang lakas ng bilib sa sarili. Kaya sa sobrang inis natin sa kanila, binabara na lang natin sabay tawa. Sabagay, cute naman yung iba. Parang tuta.

patawa

Doon talaga naguumpisa yan e, sa simpleng asaran, pero minsan ‘yung iba konting banat lang tinatamaan agad. Kaya lang, sa nguso tinamaan e, sensya na nabigla lang.Minsan kasi, dapat isipin din muna natin kung nasa lugar ba yung mga biro natin. Busina muna kumbaga, para walang tamaang pikon. Tandaan, ang pikon ay laging talo.

patawa

Ay ate! Wag mag – inarte, sapatusin kita nakita mo. Mas makinis pa medyas ko kaysa mukha mo. Che! Tumingin kasi muna ng mabuti sa salamin, baka kasi tayo lang ang nagagandahan sa sarili natin. Huwag kasi masyado maniniwala kay Inay pag sinabi n’yang maganda o guwapo tayo. Minsan kasi. di sila nagsasabi ng totoo kasi ayaw nilang masaktan tayo.

patawa

May bagay!!!hehehe. Kaya minsan, wag masyado assuming mga ate at kuya edrxcare.com. Matuto makiramdam. Kung pangit itsura mo, huwag ng dagdagan ng kung anu – anong kalokohan. Huwag mong hayaang yung mukha mo ang magdefine ng pagkatao mo. Sagwa na nga ng fes mo, sagwa pa ng pagkatao mo. Huwag ganun!!!

patawa

Alam n’yo mga ‘te, para sa lalaki, mas maganda talaga pag natural beauty ang nakikita nila sa mga girls. Huwag na kayong masyadong mageffort sa paglalagay ng kung anu – ano sa mukha n’yo. Ay naku, sinasabi ko sa inyo, magmumukha lang kayong waitress sa club.

patama

Mga t’song, tanggapin na lang natin kung ano yung binigay sa atin. Huwag na kasing ipag – pilitan pa. Okay lang naman maging pangit tayo, kaysa naman guwapo nga tayo, ansama naman ng ugali natin. Hindi ba mga t’song?

patama

Ayon sa lumang kasabihan, huwag daw tayong mananakit ng kapwa natin. Kaya bilang kabutihang asal, huwag kang gaganti. Pag binato ka ng BATO, bulaklak ang ibalik mo. Isama mo na din yung paso, para feel n feel niya ang kabaitan mo. Hahaha…

patama

Basa n’yo, mga girls? Alam n’yo kasi, kapag may gf na si crush, huwag ng papelan. Masisira na ang reputasyon mo, makakasira ka pa ng relasyon. Ang daming lalaki sa mundo, hindi n’yo sila kailangang pag – agawan. Hindi kayo mauubusan.

patama

Minsan, huwag tayong masyadong desperado, mga repapips. Eh ano naman kung NBSB ka o NGSB? Magkakaroon ka din ng pagkakataon para lumigaya. Wag kang masyadong pa – epal sa harap ng gusto mo. Dapat ‘yung sakto lang. Kung talagang gusto mong magka lovelife, e pumili ka na lang ng taong tingin mo ay karapat dapat para sa’yo. Pero dapat, sa mga single ka kumuha, wag sa taken. Gets nyo mga ‘tol?

patama

 

Ano bang masama kung mataba tayo? Inggit lang naman sila kasi malulusog tayo. Hayaan n’yo lang sila. Wala kasi silang makain. Hahaha. Hindi naman kasi importante kung ano ang itsura ng isang tao. Mas importante kung ano yung nasa loob mo, kung ano ‘yung ugali mo. Hayaan mo sila kung nilalait o binubully ka nila, insecure lang sila sa’yo.
Ito po ay katuwaan lang, ‘wag masyadong seseryosohin mga kapatid. ☺ Salamat nga pala sa pagdalaw sa aming blog site. Marami pa poi tong kasunod.

(Visited 614 times, 1 visits today)
Share!
loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *