How To Keep Our Man Stay Inlove With You


How to keep your man stay inlove with you

Paano nga ba mapapanatiling inlove si bf? Mahirap man o madali dapat kayanin mo kasi si bf ginagawa din niya yung best niya magstay ka lang binibigyan ka ng effort at time. May twelve akong paraang nakalap kung paano hope makatulong sa inyo.

How to keep your man stay inlove with you
1. Galingan mo!
Galingan mo mag-alaga! Haha syempre sino ba namang lalaki yung ayaw ng inaalagaan sila diba? Kahit yung simpleng care lang, pagpunas sa pawis, pagalaga sa kanila pag may sakit sila, yung simpleng tanong ng kumain kana, kamusta araw mo. Mga ganun.

2. Cook for him and feed him.
Sabi nga diba “The best way to the man’s heart is through his stomach” oh diba dimo alam ibig sabihin non. Hahah charot. kung di ka marunong magluto, magaral ka, kahit once magluto ka para sa kanya. Sobrang laking points sa kanila yun, effort yun.

How to keep your man stay inlove with you
3. Wag kang haliparot!
Di na uso yung “kaibigan ko lang yun” “eh nagchat eh” vice versa. Diba ayaw mo din pag may kinakausap siyang ibang babae lalo na pag di ka komportable? Ganun din sila. Wag mo replyan kung alam mong pag-aawayan nyo.

4. Don’t be selfish.
Di lahat ng oras dapat sayo. Hayaan mo din syang gawin gusto nya. Pagba-basket ball, computer games, sumama sa tropa o sa work. Tandaan: Ang kahit sinong sinasakal ay mas lalong kumakawala.

How to keep your man stay inlove with you
5. Compliment him.
Kahit minsan sabihan mo sila na “ang gwapo nila” na sila lang gusto mo. Utuin mo ba minsan hahahha. Kasi di lang sila nagsasalita pero may insecurities din mga yan lalo na pag tumitingin tayo sa gwapo. HAHAHAH

6. Don’t be so nagger.
Yung tipong daig pa nanay kung maka-putak, kung magbunganga. Simpleng bagay bubungangaan. Kakaloka yan ang ayaw na ayaw nila, lalo na sa public places. Pakalmahin muna ang sarili mamsh. Easy lang!

How to keep your man stay inlove with you
7. Believe in him
Ayan! Be a girlfriend na support ka sa lahat ng gusto nila lalo na pag future ang pinaguusapan o career. Kasi gusto nila na alam nilang may tiwala ka sa kanila lalo na sa desisyon nila. Naniniwala ka na kaya niya! Hindi yung nakahanap ka lang ng mayaman iiwan mo na yung boyfriend mong nagsisikap para sa future. Damn

8. Appreciate his effort.
Kahit simpleng effort lang i-appreciate mo. Hinatid, sundo ka, mag thank you ka. Ililibre ka sa mumurahing kainan, mag thank you ka. Bigyan ka ng love letter mag thank you ka. Appreciate mo lahat ng ginagawa nila kahit na simple para sayo.

How to keep your man stay inlove with you
9. Suyuin.
“Pag galit ka, susuyuin ka. Pag galit sila, galit ka din” ganon?!!!! Taena. Very wrong mamsh! Kung alam mong may nagawa ka magpakumbaba ka, mag sorry ka, suyuin mo din. Minsan gusto din nila ng nilalambing. Di lang ikaw lagi. Sige ka baka magsawa yan sayo kaka-suyo, nako, sinasabi ko sayo, trust me.

10. Mag effort ka!
Oo girl, di na uso ngayon pa-maria clara, masyado pabebe. Mag effort ka din, dalhan mo ng food, bisitahin mo sa work, surprise him minsan esp. sa mga special occasion. Mga ganun ba. Wag ka laging magintay na sya na lang lagi mag e-effort.

How to keep your man stay inlove with you
11. Magayos ka.
Girl, alam mo na ngang uso ngayon yung tumitingin sa iba diba? So wag mo hayaang mangyari yun. Mag ayos ka, hindi bongga pero alam mong walang dahilan para tumingin pa sa iba. magmaganda ka, malinis, mabango, maayos. Magpaganda ka di para sa iba kundi para sa kanya. Kasi kahit pagbalik-baliktarin mo man yung mundo eh nabubuhay tayo sa realidad, kung saan madaming temptation! GANERN!

12. Love him unconditionally.
Mahalin mo sya ng wala kang hinihinging kapalit. Mahalin mo sya kung sino sya, kung ano ang kaya nyang ibigay at gawin para sayo. hindi yung “dapat ganyan ka, dapat ganto, gawin mo dapat to, dapat, dapat..” daming dapat letche. Kase ipakita mo sa kanyang mamahalin mo sya kahit sino pa siya.

Marami pa yan, kung may nalimutan ako kayo nalang magdagdag. Kasi alam niyo girls nasasaktan, at may feelings din yang mga lalake, hindi lang sila nagsasalita, hindi showy katulad natin. Kaya sana marunong din tayo magpahalaga ng boyfriend. Pero syempre vice versa, ganun din sa boys. Wag natin hayaang mawala sila dahil sa kapabayaan din natin diba. Ayun lang, sana nakatulong lalo na sa mga girlfriends dyan. Hehe ?

Lahat ng yan ay base sa past, experience, at sa mga deep conversation namin ni Ryan na natututunan ko. ??

BE A KEEPER!

credit: ManilaGirls

(Visited 105 times, 1 visits today)
Share!
loading...