Hugot-patama Love Quotes


Normal na sa atin bilang babae, yung maging conscious sa mga sinasabi at iniisip sa atin ng ibang tao. Ito din yung madalas na dahilan kung bakit, sa halip na mapabuti yung relasyon natin, e lalo lang tayong napapasama. Normal na din sa atin yung pagiging sobrang mapagbigay. Sobra kasi tayong natatakot na baka iwanan tayo ng mahal natin. Kaya ayun, bigay lahat. Ni hindi man lang tayo nagdadalawang – isip. Kaya once na iwanan tayo, daig pa natin yung namatayan kung umiyak.

patama

Ang daming tao ngayon na akala mo kung sino silang magagaling. Hindi man lang marunong makiramdam at magpreno ng bibig. Magkamali ka lang ng ilang beses, kung anu – ano agad ang sasabihin, “dapat ganito, dapat ganyan” hindi ba nila alam na minsan, nakakasakit na sila?

patama

Karamihan pa sa mga tao ngayon yung sala sa init, sala sa lamig. Gumawa ka ng man ng tama, mali pa rin sa paningin nila. Gumawa ka man ng mabuti, ipagpipilitan pa rin nilang ikaw ang mali. Kung sabagay, mas alam naman natin kung ano yung tama, nasa sa atin na din kung ipaglalaban natin yun.

patama

Kung sa tingin natin ay kaya pa nating ipaglaban ang relasyon natin, ipaglaban natin. Hangga’t nandun pa at nararamdaman pa din natin yung love, laban lang tayo. Pero kung dumating sa point na tayo na lang yung lumalaban at tayo na rin lang yung nasasaktan, wag na nating ipagpilitan. Isuko na lang natin. At least alam natin sa sarili natin na ginawa natin lahat ng makakaya natin.

patama

Marami sa ating mga babae yung palaban, nakikipagkomprontahan at minsan nga nakikipagsabunutan pa. Kaya lang minsan, sa sobrang sakit ng nararamdaman natin, kinikimkim na lang kasi ayaw nating may ibang makaalam. Ayaw kasi anting mag – alala sila. Mas okay pa para sa atin na tayo na lang yung nagdurusa.

patama

Sa tuwing nasasaktan tayo, bakit kailangan pang malasing? Hindi naman mawawala yung sakit na nararamdaman natin kung iinom tayo ng alak e. minsan, mas lalo lang nadaragdagan. Siguro nga nakakalimot tayo pansamantala dahil sa alak, pero at the end of the day, babalik at babalik din yung sakit na nararamdaman natin, mas maalala lang natin yung dahilan kung bakit tayo nasasaktan. I – accept na lang natin yung nangyari mga Sissy, learn to let go.

patama

Pagdating naman sa sa lovelife, pag – usapan n’yo ng maayos ng bf mo ang mga nakaraan n’yo mga Sis, past is past ‘ika nga. It’s either masasaktan o magugulat si Bf mo sa mga malalaman nya about sa’yo, or ikaw mismo ang masasaktan sa mga malalaman mo. Kaya dapat pag – usapan nyo, it’s better na malaman nyo ang past ng bawat isa by yourselves para mapag – usapan nyo at magkaintindihan kayo, kaysa malaman mo pa sa iba na hindi mo alam kung totoo o baka may dagdag na yung kwento nila. Baka pagsimulan pa yun ng away nyo.

patama

Ang dami – dami talaga sa mga lalaki ngayon ang manloloko. Matapos nating tiisin lahat ng mga sakit na binigay nila sa atin, pagkatapos ng lahat ng bagay na ginawa natin para mag work yung relasyon, matapos nating ibigay lahat lahat sa kanila, iniwan pa din nila tayo at ipinagpalit sa iba. Sadya bang kulang sa atin? O ‘di lang talaga sila marunong makuntento sa isa?

patama

Bakit nga ba naging ugali na nating mga babae yung maghintay, palagi na lang tayong umaasa. Kahit hindi tayo sigurado sa isang bagay, hintay pa din tayo ng hintay. Siguro nga yung iba, masaya. E tayo, nganga. Minsan hindi lang nganga, sa kakaintay natin sa wala, para na tayong tanga.

patama

Minsan kasi sa sobrang pagmamahal natin kay bf, nagiging bulag na tayo. Wala na tayong pakialam kahit sinasaktan at niloloko na nila tayo. At hindi na natin namamalayan na sa sobrang debosyon na binibigay natin sa kanila, ‘di na natin napapansin na mayroon pa palang ibang lalaki sa mundo na naghihintay lang na sumuko tayo sa bf natin. May ibang lalaki palang umaasa na kahit papaano e mapansin natin siya. ‘yung lalaking umaasa na sana ay siya naman ang mahalin natin.

patama

Alam ko mga Sis na marami pa din sa atin ang hindi makatanggap na iniwan na siya ng bf n’ya. Oo nga at sinasabi natin na pinalaya natin siya, pero we know deep inside na hindi pa natin s’ya nakakalimutan. Kasi ayaw nating mag move on, ayaw nating mag let go. Pinagbabawalan natin unconsciously ang sarili natin na muling magmahal, iniisip natin na baka bumalik pa siya. Pero Sis, let go. Move on, move – on din pag may time.

(Visited 2,220 times, 1 visits today)
loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *