Latest Hugot-Patama Love Quotes


Pahalagahan at alagaan natin kong anu man ang meron tayo ngaun dahil hindi habang buhay ay makukuha natin ito. Kung ayaw mong mawala sayo ang isang bagay o tao ay patuloy mo itong ingatan.Walang permanente sa mundo. Marerealized mo lang ang kahalagahan ng isang bagay o tao kapag nawala na ito sayo.

Hugot-patama Quotes

1.Huwag mo ng ipilit pa ang sarili mo sa taong ayaw naman sayo. Nag aaksaya kalang ng panahon at oras sa kanya. Isipin mo nalang na may nagkakagusto din sayo pero ayaw mo. May minamahal at nagmamahal, swerte mo kung mahal ka ng taong gusto mo.

Hugot-patama Quotes

2.Huwag mo syang lapitan kong wala ka naming balak mahalin sya, huwag kang paasa at malandi. Makontento ka nalang sa isa. Isipin mo naman ang mararamdaman nya pag nalaman nyang niloloko mo sya. Mahirap makarma mga bes.

Hugot-patama Quotes

3.Magtatagal lahat ng meron ka kung marunong kang magpahalaga at mag-alaga. Kelangan balansi ka kong mag-isip para wala kang masaktan at patuloy itong manatili sau.

Hugot-patama Quotes

4.Lalo mo lang syang sasaktan kapag mananatili kapa sa kanya kong hindi mon a sya mahal. Niloloko mo nga sya pati sarili mo. Masakit man pero kelangan mong gawin kong anu ang tama. Minsan ang pagbitaw ang makakapagpalaya sayo sa sakit. Mas ok pang masaktan sa katotohanan kesa lumigaya sa kasinungalingan.

Hugot-patama Quotes

5.Ganun talaga ang buhay, may minamahal at nagmamahal. Hindi lahat ng gusto natin ay magugustuhan din tayo in return. Matuto tayong kontrolin an gating nararamdaman sa isang tao lalo na kong alam nating medyo walang patutunguhan ito. Darating din yung panahon na matatagpuan mo din ung taong mamahalin mo at mamahalin ka.

Hugot-patama Quotes

6.Huwag agad mawalan ng pag-asa kong hindi mo pa nasusubukan na mapunta sayo ang isang bagay o tao na gustong gusto mo kong hindi mo pa nasusubukan o kaya kong wala ka pang nagagawa. Think positive lang, atleast sinubukan mo para sa bandang huli ay wala kang pagsisisihan.

Hugot-patama Quotes

7.Swerte mo kong makakatagpo ka ng taong ganito. Meron pa nga ba sa panahon ngayon? Sana. Lahat tayo gustong pahalagahan at mahalin ng totoo. Sino bang ayaw diba? Ang sarap kaya sa feeling ng ganun.

Hugot-patama Quotes

8.Bumangon tayo at lumaban tayo, huwag nating hayaan na lalo tayong ma-down dahil lang sa iniwan tayo. Gawin natin itong dahilan para maging matatag. Ipakita natin na kaya natin ituloy an gating buhay kahit umalis na sila. Sabi nga nila sa bawat nawawala at umaalis ay may dumarating.

Hugot-patama Quotes

9.Walang taong perpekto, lahat tayo ay may kakulangan. Kung mahal natin ang isang tao tatanggapin natin sya ng buong-buo kahit may kulang sa kanya. Huwag nating hanapin sa iba ang mga hinahanap natin na hindi natin makita sa kanya.

Hugot-patama Quotes

10.Pag isipan ng mabuti ang mga bagay na pwedeng  makasira sa inyong matagal na relasyon bago gawin ito find more information. Mahirap na maibalik ang tiwalang nasira. Sabi nga nila hindi ka naman matutukso kong hindi mo din ginusto.

(Visited 2,064 times, 2 visits today)
loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *