Malandi Quotes and Funny Sayings


In this day and age, madami na talaga sa atin ngayon, mapa – babae man o mapa – lalaki ay sadyang mga, napakalandi. Naging ugali na kasi yata nila ang pagiging spoiled brat. “Whatever they want, they always get”,sabi nga.  They’ve been spoiled hindi lang pagdating sa mga bagay na gusto nila, at ganun na din sa mga taong type nila. Whether they like the person or not, they can always get that person, thanks to flirting.

Naging hobby na talaga nila ang manlandi para lang makuha nila ang gusto nila or they just flirt para gumanti sa mga taong ayaw nakasakit sa kanila dati. Like someone I know, iniwan sya ng Gf nya at ipinagpalit sa iba. Kaya ang ginawa nya, nilandi nya yung kapatid ng Gf nya, o di ba ang ang saya?. And sometimes, it’s just plain bullying. Lalandiin lang n’ya at paaasahin, and after that? Whoosh, mawawalang bigla at maglalandi sa iba. Meron namang iba na sobrang nasaktan sa past relationship nila, kaya ayun, ayaw na nilang umibig, naglalandi na lang.

Kasabihan pa ng iba na, mas okay na daw ang landian, at least walang commitment, walang hassle and never kang masasaktan.

Malandi Quotes

1.Never say die, tomorrow is another guy

Sometimes, sa sobrang landi ng iba, nagiging ugali na nila. Para silang sundalo na Never give up, Never surrender. E ano pa bang gagawin. Kung di makakuha ng malalandi ngayon, wag kang mag –alala, may bukas pa. kung di mo makuha sa ganda, landiin mo na.

Malandi Quotes

2.Ang malalandi ay parang pantal. Kapag kinakamot, mas lalong kumakati

Minsan, ang tawag natin sa kanila ay “Salot sa relasyon”. Bakit? Sila kasi yung karaniwan ng nagiging dahilan ng mga break – ups natin. Pero I think, kasalanan na din yan ng mga partners natin. Kung hindi nila sasawayin yung mga naglalandi sa kanila, lalo lang silang lalandiin nun, aaraw – arawin pa sila.

Malandi Quotes

3.Eh ano naman sa inyo kung malandi ako, bakit, kayo ba nilalandi ko?

Eto minsan, ang nagiging karaniwang katwiran ng mga taong lumalandi. Kasi naman, bakit nga ba tayo nagagalit sa kanila? Nagagalit ba tayo dahil sobrang landi nila, o nagagalit ba tayo sa kanila dahil sa halip na tayo, e ibang tao ang nilalandi nila? Ganoon kasi minsan e, nagagalit tayo sa isang tao pero in – denial naman tayo sa dahilan kung bakit nagagalit tayo sa kanya.

Malandi Quotes

4.Ay Insecure ka… Mas malakas ba ang karisma ng malandi sa maganda?

Kung babae ka at nakikita mong nilalandi ng iba ang dyowa mo, huwag ka agad magagalit. Ipinapakita mo kasi sa mga babaeng malalandi na insecure ka sa kanila. Dapat ipakita mo sa kanila na may tiwala ka sa boyfriend mo. At ipakita mo na hindi lahat e kayang daanin sa panlalandi. Maliban na lang talaga kung may lahing malandi din ang bf mo. Yung tipong lagyan lang ng palda yung poste, tulo – laway na. pag ganun ang bf mo, mas mabuting hiwalayan mo na lang, kaysa makipag – away ka pa sa mga malanding nakapalibot sa kanya.

Malandi Quotes

5.Yes, may boyfriend na ako.But it doesn’t mean na hindi mo na ako pwedeng ligawan

Karugtong na kasi talaga ng kalandian ang pagiging disloyal ng isang tao. Masyado ng sikat ang kasabihang, “mas madaling mahuli ang manok na nakatali.” E pano ba naman? Mismong yung manok na ang nagpapahuli. Palay na ang lumalapit sa manok, di ba nga? Nasa atin na lang yun kung tutuka ba tayo o hindi. In the first place, hindi ka naman manok para tumuka ng palay.

Malandi Quotes

6.Malandi: balita ko namatay gf mo.  Pwedi bang pumalit sa pwesto niya?

Ikaw namang babae ka, masyado ka kung maka – take advantage. Di pa nga nakaka – get over, bibida ka na agad. Wag ganun, kung namatay man or nagbreak lang sila ng dyowa nya, matuto kang maghintay. Wait for the right time, yung tipong magaan na ang loob nya at medyo nakakalimot na siya. Huwag ka agad maglandi, baka karmahin ka. Igalang mo ang kaluluwa ng namayapa.

Malandi Quotes

7.Kung wala kang balak mahalin, landiin mo na lang dahil sa panahon ngayon nauuso na ang M.U “Malanding Ugnayan”

Kung landian din lang naman ang gusto mo, e dun ka na lang maglandi sa mga taong landian din ang gusto. At least di ba, masaya na kayo pareho, wala pa kayong masasaktan. Kung M.U. din lang naman ang gusto n’yo, wag ka na magbalak sa taong seryoso. Once kasi na ginawa mo yun, hindi ka lang malandi, magiging sinungaling, manloloko at paasa ka pa. Kung gusto nyo talaga ng M. U. kumain na lang kayo ng saging. Mga M – ukhang U – nggoy.

Malandi Quotes

8.Ang pag-ibig walang itsurang pinipili. Naka-depende yan sa galing ng “Panlalandi”

But is it true? Matatawag ba talaga nating pag – ibig ang isang relasyon kung nakuha mo lang s’ya dahil sa panlalandi? Siguro nga mahal mo siya kaya mo siya nilandi. But the point is, nahulog siya sayo dahil nilandi mo lang siya. Naakit lang siya sa mga ginawa mo, no love involved pagdating sa kanya. Nakahanda ka pa din bang tanggapin na pag – ibig ang nangyayari sa’yo?

Malandi Quotes

9.Hindi porket maraming lalakeng nakapalibot sayo eh maganda ka na. Tandaan mo, iba ang kagandahan sa kalandian.

Hindi naman kasi palatandaan ng ganda yung bilang ng mga lalaking nakapalibot sa’yo, minsan gusto lang talaga nila na nilalandi mo sila. There is a huge difference between beauty and flirty. You see, pano mo masasabi na maganda ka talaga kung sa hita mo naman sila nakatingin? Pano mo masasabi na maganda ka kung sa tuwing dumidikit sila sa’yo, ang nakukuha mo lang puro tsansing? If you really want to be called beautiful, umpisahan mo sa ugali mo at sa pakikitungo mo sa ibang tao.

Malandi Quotes

10.Lalaki: Mahal mo ba ako?

Babae: Minsan?

lalaki: Huh?

Babae: Minsan libog lang talaga

Bakit nga ba may mga babaeng daig pa ang mga lalaki pagdating sa libog? I can’t understand kung bakit ang isang babae e ganun. Siya na din mismo ang humihila sa sarili niya pababa. Kung tutuusin naman pwede syang magka bf ng maayos, to satisfy her needs.Pero hindi, minsan kahit may Bf na sya, nanglalandi pa sya ng iba. Kailangan pa ba talaga nating maging malandi? Bakit hindi na lang tayo maging tapat sa mga partners natin at ibigay sa kanila kung ano ang nararapat na para sa kanila.

Minsan kasi, it takes more than words to convince someone about the ideals he believes in. Aminin man natin o hindi, minsan kahit ayaw natin, naaakit din naman tayo sa mga malalandi. But the point is, a person will never change kung kukunsintehin lang natin ang mga ginagawa niya, sometimes, we need to make them understand na hindi tama ang ginagawa nila, at mayroon pang ibang way bukod sa mga kinasanayan nila. Ipakita natin sa kanila na we support them anuman ang gawin nila sa buhay nila. Basta ipakita natin na nandun lang tayo to correct them kung may mali sila, and to cheer them sa mga magaganda.

(Visited 330 times, 1 visits today)
Share!
loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *