Patama Love Quotes and Sayings


May problema ka na naman? Umiiyak ka na naman? Tama na yan Sis. Magbago – bago ka na. Now na. Huwag mong ipakita sa mga lalaki na yan na mahina ka. Bakit ba sa tuwing nasasaktan ka, dinadaan mo na lang sa iyak? Wag ganun te, mga babae tayo. Ipakita natin na malakas tayo. Na hindi nila tayo pwedeng tapak – tapakan. Ipakita natin na dapat, bilang babae, nilalagay nila tayo sa pinakamataas na pedestal. Bilang babae, dapat reyna ang turing nila sa atin. Nung nililigawan nila tayo, prinsesa ang turing nila sa atin, pero nung sinagot natin sila, biglang nagbago. Di sila consistent sa pinapakita nila, kaya dapat, ipakita natin sa kanila na di sila dapat ganun sa atin. Ipakita natin sa kanila na mali ang kalabanin nila tayo.

Patama Quotes

1. Matagal kong tinagong mahal kita. Ginawa ko ang lahat para sayo. Binigay ko na pati puso at kaluluwa ko pero hindi mo pa rin ako napansin. Ang masakit pa dun, nang naglakas loob akong sabihin sayong mahal kita, ang sinabi mo lang, “Ows? Talaga?”

Minsan mga Sis, wag tayong masyadong suplada. Oo, alam nating maganda at sexy tayo. Pero huwag naman masyadong mataray. Dapat makipag – usap tayo ng maayos sa kanila. Kung ayaw natin sa kanila, sabihin natin ng maayos. Hindi natin alam, baka sila na pala yung hinihintay natin, hahayaan ba nating mawala si Mr. Right dahil lang sa katarayan natin?

Patama Quotes

2. Noon minahal ka niya. Akala mo forever pero iniwan ka rin niya. Pinipilit mong ibalik ang noon pero hindi mo kaya. Sino ngayun ang manhid? Siya dahil hindi niya maramdamang mahal mo siya? O ikaw kasi hindi mo matanggap na ayaw na niya?

At yung iba naman d’yan, wag masyadong pahalata mga Sissy. Kung ayaw na talaga nya, pabayaan nyo na lang. Huwag na nating ipagpilitan ang mga sarili natin sa kanila. Kung hindi niya maramdamang mahal pa rin natin sya dahil manhid siya, huwag na tayong gumaya. Tanggapin na lang natin na wala na tayong magagawa dahil ayaw na nya.

Patama Quotes

3. Wag kang iiyak kahit mahalata mong masaya siya sa piling ng iba. Ni ang malungkot, iwasan mo. Malay mo, hiniling din niyang maging happy ka kahit na alam niyang hindi na pwede kasi wala na siya.

Dapat positive lang tayo palagi mga Sis. Kung masaya na siya, let’s be happy for them. Huwag na tayong malungkot kung nawala siya sa atin. Malay natin, baka umalis sya sa buhay natin dahil alam nyang mas magiging masaya tayo kung wala na siya. Kailangan lang nating maging optimistic mga Sis.

Patama Quotes

4. Minsan ang sinasabi ng isip, iba sa nilalaman ng puso kaya pati damdamin, nalilito! Hindi malaman kung alin ang dapat sundin. Ang isip na nagsasabi ng dapat? O ang pusong nagmamahal ng tapat?

Alalahanin natin mga Sisterette na minsan, di lang puso ang kailangan pag nagmamahal. Kiung puro puso lang tayo, sigurado, lugi tayo. Masasaktan lang tayo sa huli. Kung puro isip naman, talo din tayo. Hindi tayo mabubuhay kung walang love sa mundo. Kaya dapat mga Sis, pantay lang. Sundin natin ang puso natin sa kung sino ang dapat nating mahalin at sundin natin ang isip natin sa mga dapat nating gawin.

Patama Quotes

5. Bakit kung kailan natuto akong maghintay hindi ka dumating? bakit kung kailan natuto akong magtiis dun ka sumuko? bakit kung kailan natutunan kitang mahalin dun ka lumayo, bakit kung kailan mahal na kita saka ka nagmahal ng iba?

Ganyan talaga minsan ang buhay, mga Sis. Weder weder nga lang daw sabi ng matatanda.wag tayong umasa na palaging mangyayari yung mga bagay na inaasahan natin. Minsan, sa sobrang pagdadalawang – isip natin sa isang bagay, nalilipasan na pala tayo. Kagaya sa pag – ibig, sa sobrang tagal ng pag – iisip natin kung siya na ba yung para sa atin, di natin namamalayan na nawawala na pala yung nararamdaman nila sa atin.

Patama Quotes

6. Naging tau nong wla na kau.. Sbi mo minahal mo sya pro mas minahal mo ko… Masaya pa nga tau d ba!!! Ngayon bumabalik sya iniwan mo ko… Ngayon pa! Na d ko na kayang mawala ka…

Bakit nga ba may mga lalaking magaling mangako? Akala mo mga kung sino kung magsalita. Sasabihin mahal nila tayo, kunyari nakalimutan na yung nakaraan nila. Pero once na bumalik yung mga ex nila, halos magkandarapa sila sa at magbibigay pa ng kung anu – anong reason para makipagbreak sa atin. Tapos tayo namang si Tanga, maniniwala sa mga sinasabi nila sa atin. Kaya pag nawala sila, di na natin makaya.

Patama Quotes

7. Lam mO hrap pag nwala ung mhal mo.. nakakalungkot, masakit,nakakamiss.. bkt ganun noh? Pgkatapos ng saya dadating din ung time na iiwan ka nia.. dun pa sa part na sobrang mahal mo na siya..

Ang pinakamahirap na bagay pagdating sa pagmamahal e yung time na iniwan na tayo at nawala na sa atin yung taong mahal natin. Paaasahin tayo sa mga pangako nila,dadaanin tayo sa galing nila sa pambobola. Pagkatapos, iiwan din lang nila tayo. Masakit, malungkot, pero sa totoo lang, katangahan na rin lang kung magpapadala tayo sa nararamdaman natin. Marami pa namang iba.

Patama Quotes

8. Iniwan kita d dhl ayoko na, d rin dhl meron akong iba, d dhl suko n ko at d rn dhl nkkpgod na.. gus2 ko lng hanapin m ang pagmamahal ko.. kc pag nasayo.. winawala mo..

Minsan kailangan din talaga natin ng space, hindi dahil nawala na yung pagmamahal natin sa isang tao. Gusto lang nating mag – isip at kahit papaano e mawala sa isip natin yung mga bagay na nakakasakit na sa atin.

Patama Quotes

9. Nagseselos ako sa mga taong nagiging malapit sayo. Lalo na at wala ako. Hindi naman sa selfish ako o possessive. Takot lang akong maging masaya ka sa iba at makalimutan mo kung paano kita napasaya.

Nakakatakot isipin na baka sa sobrang lapit ng mahal natin sa ibang tao, baka makalimutan nila yung nararamdaman natin sa kanila. Hindi naman sa wala tayong tiwala sa kanila. Hindi lang talaga mapagkakatiwalaan yung mga malanding nakapalibot sa kanila.

Patama Quotes

10. Minahal kita noon pero pinabayaan mo ako. Minahal kita ngayon pero binalewala mo. Ngayon minahal mo ako pinakawalan ko. Bakit ngayon mo pa ako minahal? Ngayong may mahal na akong iba.

Nasa huli talaga minsan yung pagsisisi. Noong tayo ang umaasa na mahalin nila tayo, sila yung nang babale wala. Nung sobra tayong nahuhulog sa kanila, pinapabayaan lang nila, parang natutuwa pa sila na patay na patay tayo sa kanila. Pero once na lumipas na yung nararamdaman natin sa knila, saka naman sila hahabol – habol at magbabaka – sakali na mahalin natin ulit sila. Saka sila eekstra pag na – fall na tayo sa iba.

 

(Visited 1,289 times, 1 visits today)
Share!
loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *