Pinoy Hugot Quotes and Sayings


Dumarating minsan yung time na hindi na talaga natin maisip kung anong gagawin natin. Hindi naman sa bitter tayo o happy tayo. Wala lang talaga tayong magawa. Nakaka blangko ng isip lalo na kung wala tayong makausap. Mag surf man tayo sa net o makipagkwentuhan sa social media, wala pa din, hindi pa din gumagana yung utak natin.

Wag kayong mag –alala, ramdam na ramdam ko kayo. Natural lang naman ang ganyan minsan. Nangyayari din sa akin yan. Minsan nga, naiisip ko din na gumawa na lang ng kahit na ano, gumana lang yung utak ko. Pero wala pa din, nakakatamad kasi minsan, lalo na kung feeling mo, natapos mo na lahat ng dapat mong gawin.

Kaya eto, para naman medyo gumana ang utak ninyo, ginawa ko to para sa inyo. Pinag – hirapan ko to kahit papaano, kaya basahin nyo. Hehehe… peace yow!!!

Patama Quotes1.Kapag wala na, wala na talaga, Wag mo ng ipilit yung sarili mo sa taong wala ng pake sayo.

Alam n’yo te, kung sa tingin mo, wala na talagang pagtingin sayo ang mahal mo, wag mo ng ipag – pilitan ang sarili mo. Masasaktan ka lang sa ginagawa mo. Kung wala na siyang pakialam sayo, hayaan mo na lang. Huwag mo ng isipin kung babalik pa sya sayo o hindi na, magpa – ganda ka na lang, dapat blooming tayo palagi.

Patama Quotes2.Mahirap magtago ng isang sikreto, lalo na kung ang sikretong tinatago mo ay yung tao na gusto mong IPAGSIGAWAN SA BUONG MUNDO!

 

Napakahirap nga namang itago kung nagmamahal tayo ng totoo. Gusto nating malaman ng lahat na mahal natin ang isang tao para wala ng lumandi sa kanya. Gusto nating ipagsigawan sa iba para wala ng kumontra.

Patama Quotes3.Bakit ngayong MASAYA na ako kinakamusta mo ako? Pero noong UMIIYAK ako sayo binabalewala mo lang ako.

 

Bakit nga ba may mga taong bigla bigla na lang magpaparamdam ulit sa atin matapos nila tayong saktan. Nung iniwan nila tayo, pinakita nila sa atin na balewala na tayo at wala na silang kahit na anong pakialam sa atin. Pero nung nakakita na tayo ng taong handa tayong mahalin at tanggapin, nung nakakita na tayo ng taong magpapasaya sa atin, bigla na lang silang lilitaw at mangungumusta. Hindi ba nila matanggap na naka move on na tayo?

Patama Quotes4.Wag kang magagalit sa taong MABILIS MAGTAMPO. Mahal ka nun kaya siya apektado sa maliliit na NAGAGAWA mo.

 

At ikaw namang lalaki ka, kung magtampo sayo ang isang babae, wag kang magagalit. Wag kang matapang. Intindihin mo na lang na kaya siya nagtatampo ay dahil miss ka nya at gusto nyang lambingin mo s’ya. Mahal na mahal ka lang nya kaya ganun sya. At kung nagtampo man sya dahil mayroon kang bagay na ginawa o hindi mo nagawa, wag kang magalit kasi umasa lang naman sya sa’yo. Ganun yun.

Patama Quotes5.Hanapin mo yung taong kaya kang alagaan at pagsilbihan. Hindi yung pinagsisilbihan mo na binabalewala ka pa.

 

Sa inyo mga Sis, kung magmamahal kayo, mahalin ninyo yung lalaking nakahanda kang alagaan, mahalin at pagsilbihan. Yung marunong umintindi sa mga pangangailangan mo bilang babae. Yung hinding – hindi ka iiwanan. Hindi yung taong ikaw pa ang mag – eeffort para lang pansinin ka niya. Yung ginagawa mo na ang lahat, balewala ka pa.

Patama Quotes6.Ipaglaban ang pagmamahal kung may ipinaglalaban ka. In short, kung MAHAL KA din.

 

Kung nagmamahal ka at minamahal ka din niya pero naparaming tumututol sa pagmamahalan ninyong dalawa, lumaban ka. Matuto kang ipaglaban ang nararamdaman mo. Kahit maging kayong dalawa pa laban sa buong mundo, wag mong isuko ang nararamdaman mo. Basta siguraduhin mo na mahal kang talaga ng ipinaglalaban mo.

Patama Quotes7.Hindi naman PAKIPOT ang ibang mga Babae. Gusto lang nila makita na nag-eeffort ang Lalaki.

 

Hindi naman talaga pagpapakipot ang ginagawa ng mga babae, kung hindi ka pa niya sinasagot kahit alam mong gusto ka niya. Gusto niya lang talagang makita kung ano pa ang kaya mong gawin para sa kanya at kung nakahanda kang maghintay sa kanya.

Patama Quotes8.Wag kang mangangako kung di mo kayang TUPARIN. At wag kang magsasalita kung di mo kayang GAWIN.

 

Ang mga lalaki, dapat merong isang salita. Kung mangangako ka sa isang tao, gf mo man o hindi, siguraduhin mong tutuparin mo. Kung alam mong hindi mo kaya, wag ka na lang mangako. At wag na wag kang magsasalita ng kung anu – ano sa isang tao kung di mo naman kayang gawin. Action speaks louder than word. Kaya gawin mo na lang, huwag mo ng sabihin.

Patama Quotes9.Mahalin mo ang isang tao kung ano siya. Hindi yung sa kung ano ang meron sa kanya.

 

Kung magmamahal ka, mahalin mo sya kung ano siya, mahalin mo sya ng buo. Hindi porke’t gwapo o maganda, mahal mo na. hindi porke’t mayaman sasagutin mo na. Hindi ganun ang pagmamahal. Ang tunay napagmamahal ay yung pagtanggap mo sa kanya anuman ang itsura nya, anuman ang ugali nya, at anuman ang estado ng buhay nya.

Patama Quotes

 

  • Yung dati mong ka-chat maghapon noon, Swerte mo na pag nakatanggap ka ng ‘hello’ ngayon.

 

Bakit nga ba may mga taong pa fall. Sa umpisa, paaasahin tayo ng bonggang bongga tapos biglang mawawala. Nung una, todo – kilig tayo sa mga message nila, pero ngayon nganga. Bakit nga ba ganun sila? Pinanganak ba sila para lang mag – paasa?

(Visited 237 times, 1 visits today)
loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *