TOP 10 HUGOT QUOTES AND SAYINGS NG MGA MATATABA :)


Hindi naman sila mataba e, malulusog lang sila. ‘Wag kang gay’an kabayan! hehehe…
Bakit nga ba sa panahon natin ngayon, masyado nang nagiging isyu ang itsura ng katawan ng tao? Nagiging preference na ng iba ang mga macho, sexy, lean, at kung anu – ano pa. Hindi ba nila alam na masarap magmahal ng chubby? Kasi size doesn’t matter; it’s the thought that counts. Masyado lang kasi tayong nakikinig sa mga friends natin na ang gusto e yung mga magaganda ang katawan. Bakit ganyan kayong mga lalaki? May benefits din naman ang pagkakaroon ng gf na mataba ah.
Gusto n’yo malaman kung ano? E magdyowa kayo ng mataba. It’s for me to know and for you to find out. tehehehe… by the way, for me naman kasi, di mahalaga kung mataba ang girl or ang guy. Ang love naman kasi sa puso bini-base, inde sa hubog ng katawan. E ano naman kung chubby or mataba? Atleast may unan ka pag matutulog.
Well, this is just some random rantings from me, kagaya nga ng sabi ko, kanya – kanya naman tayo ng preference e. Tayo na ang bahalang magdecide kung alin ang mas gusto natin. And here are some quotes baka – sakaling makatulong sa pagdedecide ninyo… and remember, FAT is the new SEXY!

TOP 10 HUGOT QUOTES AND SAYINGS NG MGA MATATABA :) 1

“Huwag kang mag – alala kung mataba yang girlfriend mo. Kaya nga may kasabihang, “TRUE LOVE WEIGHTS” ”
“Oo nga, be glad kasi hindi ka nagkulang sa pag – aalaga sa GF mo kaya siya nanaba. Saka tandaan mo na kung totoo kang nagmamahal, tatanggapin mo anuman ang itsura niya. Saka malay mo, balak pala niya magpapayat pagdating ng panahon. Kaya wag na wag mong iiwan, baka magsisi ka lang.”

2

“Ano naman ngayon kung mataba sya? Mamahalin mo lang naman sya, hindi KAKARGAHIN.”

“Oo nga naman, hindi naman ibig sabihin na kakargahin mo siya pag naging kayo. Hindi naman kasi lakas ng katawan ang batayan sa ganyan. Dun yan binibase sa nararamdaman mo at sa kung hanggang saan mo kayang magsacrifice para sa kanya. Nakabase yun sa gaano mo sia kamahal kahit na mataba siya.”

3

“Magmahal ka ng mataba dahil sila yung matafat.”

“Lahat naman kasi ng girls ay takot maiwan, especially ang mga matataba. Minsan lang kasi sila magtiwala. Kaya kung ang GF mo ay mataba, be proud kasi makakaasa kang hindi ka lolokohin n’yan.”

“Hindi bale ng CHUBBY atleast cute. Kesa sa SEXY, hipon naman:)”

“Marahil maraming nang aasar samin pero at least alam naman naming mas maganda kami. di naman katawan ang nilalagay sa school i.d diba? haha. kaya wala din silang magagawa:)”

“Aanhin mo pa ang SEXY, kung mukha namang scary. Mas mabuti pa ang chubby, atleast yummy.”

“Di ba nga? Mas okay naman kasi kahit mataba siya atleast cute, parang teddy bear. Masarap kaya silang yakapin. Mas okay na sila kaysa sa maganda nga ang katawan, 36 – 25 – 36…pang beauty queen. E ang mukha? Pang exorcist bhe, wag ganun. Baka mabangungot ka pa sa gabi. Yun bang mo para kang nasa horror movie ka pag katabi mo siya, eewww!!! E kung yung chubby ang chinoose mo, atleast may matataguan ka pag nanood kayo ng horror at natakot ka, di ba?”

“Eh anu kung MATABA ka! I love you, just the WEIGH you are.”

“Hindi naman kasi issue kung mataba ang isang tao. Love depends on how you feel about a person, not because of how they look or how much they weigh. Saka kung magmamahal ka, hindi dapat maging dahilan ang pagiging mataba niya.”

“Hindi naman aq mataba eh. In fact, I’m so sexy that it overflows.”

“Oo nga naman, hindi na kasi macontain ang kaseksihan nila kaya nag- overflow na. Remember mga Sis, attitude and confidence lang ang kailangan natin, being sexy on the inside rather than the outside is better than going on a diet.”

“Yung mga mataba na sobrang ganda na, paano kapag pumayat pa?”

“Nilalait mo siya kasi mataba siya, o insecure ka lang kasi mas maganda siya sayo? Natatakot kang baka hindi ka na mapansin ng mga tao once na pumayat siya kaya nilalait mo sya. Gusto mo siyang ma – depress kaya ginagawa mo lahat para maging outlet niya ang kumain.”

“Huwag mo ng problemahin ang pagiging mataba ko dahil hindi ko rin naman pinoproblema ang pagiging panget mo!”

“Sa madaling salita ‘teh, “mind your own business.” O taraaaayyy!!! Minsan kasi preno – preno din sa pagsasalita. Lait tayo ng lait, dire – deretso ang bibig natin pero di natin naiisip na baka may katangian din tayo na kalait – lait din para sa kanila. Wag kasi tayong maging judgemental. Hindi naman kasi porke mataba ang isang tao, maganda ka na, minsan kailangan din talaga natin magsalamin ‘teh.”

“Mahalin mo na ako hangga’t MATABA pa ako. Dahil kapag pumayat ako marami ka ng karibal.”

“Kung may GF na kayo mga boys, wag ng maghanap ng iba. Wag mo ng isipin kung mataba sila, tao din kasi ang mga yan na marunong makaramdam. Sige ka, pag ang mga matataba iniwan mo, who you ka sa mga yan pag pumayat sila.”

Maraming salamat sa pagbisita ninyo sa aming Blogsite! Sana nagustuhan ninyo ang inyong nabasa! 🙂 Don’t forget to Like this! Thank You!

 

(Visited 1,770 times, 6 visits today)
Share!
loading...

One thought on “TOP 10 HUGOT QUOTES AND SAYINGS NG MGA MATATABA :)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *